Mikey Arroyo, misis na si Angela humirit sa DOJ

HUMIRIT ng dagdag na panahon sa Department of justice (DOJ) ang kampo ng mag-asawa na sina Congressman Mikey at Angela Arroyo para sa pagsusumite ng counter affidavit kaugnay ng reklamong tax evasion na isinampa laban sa kanila ng Bureau of Internal revenue (BIR).

Ito ay makaraang mabigo muli ang mag-asawa na sumipot sa pagdinig ngayong hapon.

Tanging ang kanilang abogado lamang na si Atty. Ruy Rondain ang sumipot sa pagdinig

Binigyan naman ng panel of prosecutors na pinamumunuan ni Sr. Asst State Prosecutor Lagrimas Agaran ang kampo ng mga Arroyo ng hanggang ika-27 ng Hunyo para magsumite ng counter affidavit

Pero kung mabibigo sila na magsumite ng salaysay sa nabanggit na petsa, nagbabala ang panel na isusumite na for resolution ang reklamo.

Binigyan naman ng panel ang kampo ng BIR ng sampung araw para magsumite ng reply affidavit mula nang matanggap ang kopya ng counter affidavit, habang ang kampo naman ng respondent ay binigyan din ng kaparehong panahon para makapagsumite ng tugon.

Magugunitang kinasuhan ng BIR ang mag-asawang Arroyo dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis mula 2004 hanggang 2009 na aabot ng P74 million.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply