MILF ‘di na hihiwalay sa Pinas

IBINASURA na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang plano na humiwalay sa Pilipinas at magkaroon ng sariling estado matapos magbanta ang Malaysia na huminto sa pagsasa-ayos ng peace talks para tapusin ang matagal ng labanan sa Mindanao.

Nagbalak umano ang MILF na isama sa kanilang option ang humiwalay sa bansa sa kanilang iginuguhit na kasunduan sa pamahalaan na inihalintulad sa usaping pangkapayapaan noon sa Southern Sudan na mahigpit na tinutulan ng Malaysia.

Naipakita na ang ginawang kasunduan sa pamahalaan ng mag-usap ang dalawang panig sa Kuala Lumpur noong Pebrero at guguhit din ang Pilipinas ng sarili nitong kasunduan o counter-draft at ipakikita ito sa susunod na pagpupulong sa susunod na buwan sa Malaysia.

Ayon kay Mohagher Iqbal, ang punong negosyador ng MILF sa kanyang pakikipagpulong sa Makati Business Club, civil society, religious groups, academe at foriegn missions, maliwanag na wala na silang balak magsarili ng estado kundi isang gobyerno para sa mga Moro na walang masyadong pakikialam ng central government.

Umabot na sa 12 taon na may usapang pangkapayapaan o peace talk ang pamahalaan at MILF kung saan 120,00 katao na ang namamatay at dalawang milyon ang nawalan ng tirahan sa mahirap na rehiyon subalit hitik sa yamang dagat at mineral deposit na Mindanao. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply