MILF hindi takot kay Ombra Kato

SA NAGING pahayag ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal sa isang pagtitipon para sa kapayapaan sa Mindanao ay tahasang sinabi nito na hindi umano nababahala ang MILF sa paghihiwalay nila ng landas at dating MILF commander Ameril Ombra Kato.

Sinabi nito, hindi magiging hadlang sa peace process ang breakaway group ni Kato dahil tiwala siyang hindi ito tatanggi sa inaalok na kapayapaan ng gobyerno.

“Kato has declared that he is not against the peace process and will continue to abide by the ceasefire agreement,” ayon kay Iqbal.

Si Kato ay dating commander ng 105th Base Command ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ang arm-wing ng MILF. Dinala ng kato ang halos 100 taga-sunod nito at nagbuo ng panibagong grupo na tinawag na Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

“Splits are a reality in revolutionary movements throughout the world. But it has not hindered efforts by involved parties to conclude political settlements like in Sudan and Northern Ireland,” dagdag pa ng MILF chief negotiator.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply