MILF kay Puno: Bakit ngayon ka lang?

CAGAYAN DE ORO CITY—Bakit ngayon ka lang?

Ito ang tanong na umiikot ngayon sa isipan ng isang lider ng Moro Islamic Liberation Front hinggil sa napabalitang pagbaligtad ni dating Chief Justice Reynato Puno kaugnay sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Muhammad Ameen, hepe ng MILF Central Committee, “hindi natural” ang sinabi ni Puno sa isang forum noong Sabado.

Sinabi kasi ni Puno sa kanyang talumpati sa “Decentralization and Political Reform Among Local Leaders in Northern Mindanao” forum na inorganisa ng Centrist Democratic Movement (CDM) Lambigit noong Mayo 14 na dapat iprayoridad ang kapayapaan sa Mindanao sa anumang usapin hinggil sa charter change (Cha-Cha).

“I hope that we can have charter change that already integrates the Mindanao peace concerns before a final peace agreement is signed between the GPH and the MILF,” sinabi ni Puno sa harap ng higit 100 katao na dumalo sa pagtitipon.

Kasama sa dumalo sina dating National Security Adviser Gen. Jose Almonte, Konrad Adenauer Stiftung country representative Peter Koppinger, subsidiarity expert Philip Camara, Centrist Democracy Political Institute president Lito Monico Lorenzana, Misamis Oriental Governor Oscar Moreno, Rep. Rufus Rodriguez at dating Bukidnon Rep. Candido Pancrudo.

“Why only now that he is out of the judiciary?” tanong ni Ameen.

Si Puno ang nag-break sa tie sa Supreme Court sa botohan sa constitutionality ng MOA-AD noong October 2008.

Ang boto ni Puno bilang Chief Justice ang nagpalala, ayon sa MILF, sa usaping pangkapayapaan ng bomoto siya laban sa MOA-AD at idineklara ito ng Supreme Court na unconstitutional o labag sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Dahil sa desisyong iyon, sina Kumander Bravo at Kumander Umbra Kato ay naghasik ng gulo sa Gitnang Mindanao noong 2008.

Kahit na nalilito ngayon ang MILF sa pagbaligtad ni Puno, sinabi naman ni Ameen na mas mabuti ito ngayon dahil malaki ang maitutulong nito sa usaping pangkapayapaan ng gobyerno at ng MILF.

“It is better that way rather than maintaining his anti-Moro views,” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply