Minero natabunan sa gumuhong tunnel

NAGKUKUMAHOG ngayon ang isang private mining company upang maiahon ang isa nilang minero na natabunan sa loob ng gumuhong tunnel sa Tuba, Benguet.

Ayon sa report na nakarating sa PNP Command Operation Center, naganap ang cave-in bandang alas-dose ng Biyernes ng tangahali, Mayo 27, sa Liwliw, Ampucao, Tuba ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid na tuluy-tuloy ang ginagawang retrieval operation ng private mining company para makita at mailigtas si Joey Marcos, 20, ng Taddian, Mt. Province.

Nabatid na kinumpirma ng Tuba Municipal Police Station ang nangyaring pagguho sanhi ng maghapong pagbuhos ng malakas na ulan sa area.

Patuloy ring inaalam ng mga awtoridad kung may mga kasama pa itong ibang minero. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply