Senado botong si Miriam ang magiging Ombudsman

MAHIGPIT na sinuportahan sa Senado ang nakaambang nominasyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago bilang kapalit ng nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri na kung naghahanap si Pangulong Benigno Aquino III ng bagong Ombudsman na tunay na lalaban sa katiwalian sa gobyerno ay si Santiago ang makagagawa nito.

Ani Zubiri, hindi siya maaaring makapaghain ng nominasyon ni Zubiri sapagkat ang Judicial and Bar Council lamang ang makagagawa nito.

Gayunman, aniya, hindi siya mangingiming suportahan ang nominasyon ng kasama sa Senado.

“Matagal nang ipinaglalaban ni Senator Santiago ang kampanya laban sa corruption. Kaya, all the time, 100 percent (ang aking suporta),” ayon kay Zubiri.

Bukod kay Santiago, ang isa pang napupusuan ni Zubiri ay si Justice Secretary Leila de Lima upang maging Ombudsman.

Ngunit una nang tumanggi si De Lima na mailipat sa naturang puwesto.

Idinagdag pa ni Zubiri na ang bagong uupong Ombudsman ay hindi dapat kaklase, kapartido at kaibigan ni Pangulong Benigno Aquino III upang makapagtrabaho ito nang walang utang na loob na susuklian.

“I hope and pray na this next Ombudsman will be one that will not recognize political affiliation, will not recognize friendship to the President or whoever is in power, but will work regardless of political leaning,” ani Zubiri.

Ang JBC ang sasala sa mga nominado para maging Ombudsman. Pipili ito ng tatlong pangalan na isusumite kay Pangulong Aquino.

Sa tatlong kandidato lamang pipili ang Pangulo upang maging bagong Ombudsman.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply