Miriam handa sa giyera vs anti-RH bill

HANDA si Sen. Miriam Defensor-Santiago na makipag-giyera sa mga tutol sa kanyang iniakdang Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay Santiago, nakahanda na ang kanyang battle gear, navy seal at self bomber sa posibleng giyera laban sa mga anti-RH Bill.

Aniya, nakahanda umano siyang makipagdebate sa isyu sa RH bill hindi lamang sa political kundi maging sa economical, theological at scientific aspects nito.

Handa umano siya na ipaliwanag sa debate ang anumang isyu sa mga nabanggit upang maliwanagan kung bakit kinakailangan na ang RH bill sa lipunan.

Tinitiyak naman ng senadora na ang merito ng kanyang panukalang batas ay magtatagumpay at ganap na magiging batas.

Iginiit pa ng mambabatas na hindi dapat na ipikit ang mata sa mga kababaihan na namamatay kada tatlong minuto sa bansa ng dahil sa pagiging ignorante kaya’t dapat na maliwanagan ang mamamayan sa usapin sa RH bill dahil ang pinag-uusapan dito ay buhay at konsensya ng bawat isa.

“When the Bible says that God created the human beings in His own image, it doesn’t meant that we look like God. It means that we think, we have brain, we have conscience. We are created in the image of God because we have conscience,” ani Santiago. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply