Misis ipinagpalit ni aktor sa pokpok

ANG tindi ng pandak na aktor na ito sa kaelyahan. Pati yata poste ng Meralco suotan mo lang ng damit pangbabae ay titirahin na nito. Giatay!

Pakalat-kalat ang aktor na ito na sumikat nu’ng batit (bata) pa s’ya. Kung saan-saang club siya pumupunta maka-dyug lang ng girl.

Sa sobrang kalibugan pati sarili nakalilimutan na. Ni hindi na ito nakakapag-cut ng kanyang nail, kaya naman punung-puno ng germs ang mga kakukohan nito. Maging ang kanyang ipen (ngipin), sus ginoo! dilaw s’ya. Oo, tama…tama! At kapag sinilip mo ang kanyang tenga, my tutule na any moment ay handang malaglag sa baba (siyempre sa baba, alangan naman sa taas.Hehehehe!)

Paano kaya naaatim ng mga pokpokitas na laplapin sila ng kumag na ito? Kahit pa sabihing trabaho lang ang ginagawa nila, yucky pa rin ‘yun mga kapatid.

Imagine, makikipaghalikan ka sa taong hindi nagsisipilyo?

Nu’ng premier night ng indie film na’Ang Babae sa Sementeryo’ na ginawa sa SM North, nakatabi namin ito sa upuan. Ang ingay n’ya. Panay tawag sa kung sinu-sinong tao kahit madilim ang lugar. Kumusta roon,
kumusta rito ang ginagawa n’ya. Gusto ko na ngang tadyakan ito sa likod dahil sa istorbong ginagawa nito. Pero alam nating papansin lang siya sa mga oras na ‘yun.

Anyway, palibahasa’y katabi nga natin and dating wonder boy na ito kaya amoy na amoy natin ang baho niya. Baho ng isang taong hindi naligo ng tatlong araw. Mabuti na lamang at hindi tayo nakaharap sa kanya kundi nabugahan tayo ng mala-imburnal niyang bibig.

May kasama siya nu’ng time na ‘yun, isang girlitang mas matangkad sa kanya ng sampung pulgada, pero seksi ang lekat. Kaya lamang, GRO raw iyon na bagong kakuyangyangan ng lintek.

Anyway, Sobrang awa ang naramdaman namin sa mag-ina niyang kanyang iniwan sa kamag-anak nito rito sa Novaliches. Ewan natin kung bakit iniwan dun ang asawa’t anak niya gayong mayaman naman siya at may establisimiyentong pag-aari.

Akala nu’ng kadugo ng esmi niya ay magbabakasyon lamang sila roon subalit isang araw ay umalis na lang basta ang aktor sakay ng kanyang magarang kotseng itim at hindi na ito bumalik.

‘Yung kanyang mag-ina ay inabot nang ilang buwan sa bahay ng tita niya. May konting konsensiya naman ang auntie niya kaya’t ‘yung terrace ng bahay n’ya ay ginawang parang kuwarto para doon mag-stay ang mag-ina, kaya ‘yung mga dumaraan ay nakikita sila araw-araw.

Kasal ang bida natin sa girl na ‘yun ha, na taga-Cebu.

Anyway, dahil sa hiya sa tita n’ya ay umuwi din ng probinsiya ang misis ni aktor. After one year nang bumalik sa Nova ang una ay may kasama na itong ibang lalaki.

Nabalitaan namin na pinabayaan na raw kasi nang tuluyan ni aktor ang anak at asawa niya kaya naghanap na rin ito ng iba.

Ayon sa ating pagsasaliksik (pagsasaliksik daw, o!), may bago pa lang ka-live in ang damuho na nakilala nito sa clubtsina at nabuntis nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply