Misis kinatay ni mister, bago nagsaksak sa sarili

NAUTAS ang isang ginang matapos tadtarin ng saksak ng kanyang live-in partner habang nasa kritikal na kalagayan naman ang suspek matapos saksakin ang sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Valenzuela City.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa MCU hospital sanhi maraming saksak sa iba’t ibang parte  ng katawan ay si Jacquelin Manalang Camino, 32, ng 24, De Galicia St.,Brgy. Maysan.

Nakaratay naman sa pagamutan ang suspek na kasalukuyang ginagamot kinilalang si Ferdinand Velasco Martinez, mister ng biktima.

Sa imbestigasyon nina P03 Remy Barinquel at P02 Marlyn Tarin, ng Women Protection and Protection Desk ng Valenzuela City police, alas 7:00 ng gabi kahapon nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang tahanan.

Base sa salaysay ni Jonard Velasco, Martinez, nagsara ng bintana at pintuan ang suspek bago magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Ilang saglit pa ay biglang may kumalabog at humihingi ng saklolo ang biktima dahilan para pwersahang binuksan  ang bintana at tumambad ang duguang biktima habang habang ang lalaki ay  duguan din.

Lumalabas na tinadtad muna ng saksak ng suspek ang kanyang misis bago sinaksak ang sariling sikmura.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply