Misis ni kumpare kinubabawan ng binata

KULONG ang isang binata matapos maaktuhan ng kumpare na nakapatong sa kanyang asawa sa Caloocan City, Linggo ng gabi, Mayo 1.

Nahaharap sa kasong rape si Jesus Mari Pangilinan, 40, ng P. Zamora St., nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Leny, 34, dakong 11:30 ng gabi, habang natutulog siya sa loob ng kanilang bahay nang magising matapos maramdamang may nakapatong sa kanya.

Pagdilat ng mata ng biktima ay nakita nito ang suspek na nakapatong sa kanya dahilan upang pumiglas ang una subalit malakas si Pangilinan hanggang sa matanggal ang damit ng ginang.

Nagawa umanong maipasok ng suspek ang pagkalalaki sa biktima dala ng pananakot at habang nagpapasasa ay hindi namalayan na dumating na ang mister ng biktima na agad nagwala.

Nagkukumahog namang pinulot ng suspek ang kanyang mga damit saka dali-daling lumabas ng bahay.

Nagsumbong naman sa mga barangay tanod ang mister ng biktima dahilan upang damputin si Pangilinan at dalhin sa presinto.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply