Misis tepok sa holdaper, mister patawirin

NASAWI ang negosyanteng si Caroline Cristobal at sugatan naman ang kanyang asawa na si Diomedes Cristobal matapos na manlaban sa mga holdaper na humarang sa kanilang sasakyan.

Nabatid na papauwi na ang mag-asawa sa bahay nito sa San Jose Del Monte Bulacan nang harangin ng pitong holdaper ang kanilang sasakyang Nissan Urvan sa may Lagro, Quezon City.

Nilimas ang kanilang mga gamit at salapi ng mga holdaper. Dahil dito, pinaputukan ni Diomedes ang mga kawatan ngunit gumanti naman ang mga ito kung saan pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima sanhi ng pagkamatay ni Caroline.

Isinugod naman sa pinakamalapit na ospital si Diomedes at nasa malubha pa itong kalagayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply