Mister nagpatiwakal, misis pinatay

PATAY ang isang misis makaraang barilin nang kanyang mister kasunod ng pagpapatiwakal ng huli gamit ang shotgun sa bayan ng Mabini, Dagupan City.

Batay sa salaysay ni Mary Loyola, anak ng mag-asawang sina Dionesio at Sheila Bermudez, residente sa Barangay Bellacuarta, nag-away ang kanyang mga magulang na humantong sa pagbaril ng kanyang ama sa kanyang ina.

Nabatid na nakahandusay na at duguan ang mag-asawa nang makita nila ang mga ito na wala ng buhay.

Hindi namalayan ang kaganapan dahil malakas ang radyo sa loob ng bahay.

Kasalukuyang nakalagak ang labi ng dalawa sa isang punerarya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply