Mister pinatay sa saksak ng tanod

TODAS ang isang mister matapos pagsasaksakin ng kaaway na barangay tanod sa harap ng bahay ng una sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Mayo 2.

Namatay habang ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa likod si Louie Rotap, 39, ng Phase 9C, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Marcial Abet, barangay tanod at kalugar ng biktima.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Marife, dakong alas-diyes ng gabi, nasa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig ng kaguluhan sa labas.

Pagsilip ni Marife sa labas ay nakita niya ang suspek na sinasaksak ang biktima na naging dahilan upang magsisisigaw ang una.

Nang marinig ng suspek ang sigaw ni Marife ay mabilis na itong tumakas habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital.

Kasalukuyang inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply