Mister pisak sa bus, todas

PATAY ang isang mister matapos na masagasaan ng pampasaherong bus habang ang tumatawid sa Malabon City, Martes ng gabi, Mayo 17.

Hindi na umabot ng buhay sa Fatima Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Edgardo Llanes, 56, residente ng Luis St., Panghulo ng nasabing lungsod.

Agad namang sumuko ang driver ng Malanday Metro Link Bus (TWH-431) na si Manolito Pangan, 29 at residente ng Bambang, Bulacan, Bulacan sa pulisya.

Sa ulat, bandang ika-7 ng gabi, tumawid ang biktima sa MacArthur Highway Potrero ng naturang lungsod nang mahagip ito at masagasaan ng bus.

Ayon sa imbestigasyon, tumilapon pa ng ilang metro ang biktima kaya nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan na dahilan ng pagkamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply