MM, Tuguegarao, matindi ang init ngayon

INAASAHANG maglalaro sa 36 hanggang 37 degrees Celsius ang init sa Metro Manila at Taguegarao ngayong araw, Mayo 17.

Nabatid na ang mainit na panahon ay bunsod ng ridge of high pressure area (HPA) habang sa Eastern Visayas at Mindanao ay nakaaapekto naman ang tinatawag na intertropical convergence zone (ITCZ).

Magiging pinakamainit pa rin ang mararanasan na temperatura sa Tuguegarao City na tinataya ng Pagasa na aabot hanggang 37 degrees Celsius.

Sa Baguio City naman ay maglalaro ang temperature sa 16 hanggang 26 degrees Celsius.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply