MMDA, Dole iinspeksyunin ang mga bus terminal

SISIMULAN na bukas, May 20, ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng  Department of Labor and Employment (Dole) ang pag-iinspeksyon sa mga bus terminal at garahe upang alamin kung sumusunod ang mga ito sa labor standards.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, iinspeksyunin nila lalo na ang mga clinic at rest area ng mga driver na posibleng nasangkot sa aksidente dahil sa pagod o fatigue.

“Bukas magsisimula kami mag-inspection ng Dole sa bus terminals, kung ang bus terminals at garahe may sapat na labor standards,” pahayag ni Telentino

Ang naturang pag-iinspeksyon ay nag-ugat sa kanilang paniniwala na ang mga drayber ay nasasangkot sa aksidente dahil sa matinding pagod para makabuo ng quota o boundary.

Hinigpitan ng awtoridad ang mga bus company makaraang aksidenteng mapatay ang journalist-professor na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan noong Mayo 13 nang mabangga ang sinasakyan nitong taxi sa Commonwealth Ave., Quezon City.

“Siguro dito maunawaan ng bus drivers at companies na meron tayong labor law,” paliwanag ni Tolentino

Samantala, makikipag-ugnayan ang pamunuan ng transportation sa bus drivers para maisulong ang mungkahing gawing regular na ang suweldo ng mga ito imbes na ang umiiral na commission system na  iniuugnay sa road accident sa Metro Manila

Kaugnay nito, tatalakayin at ipaliliwanag ni Chairman Nelson Laluces ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang kagandahan ng pagbibigay ng regular na sahod sa mga bus driver dahil hindi ito naging katanggap-tanggap sa mga ito sa ginawang pagpupulong nitong Miyerkules.

“Ibang pagpupulong na naman ito. Sa susunod pag may makontak kaming maraming bus driver sila ang aming kakausapin, aming tinutuunan ng pansin ang wage, pag-aaralan (namin) ang magiging wage package ng mga driver at bibigyan siguro ng ibang benefits na magiging equivalent siguro,” ayon kay Laluces

Ganito rin ang pahayag ni Tolemtino. Aniya, dapat pagtuunan ng pansin ang regular na pagpapasahod at maaayos na benepisyo ng bus drivers na makabubuti para sa kanilang kinabukasan.

Ipinaliwanag ni Tolentino na ang proposed package na makakamit ay ang retirement, insurance at Pag-IBIG benefits.

“In the long run mas nakabubuti sa kanila at pamilya nila” ani Tolentino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply