Mocha namudmod ng condoms sa Batasan

 

 

 

 

 

NAMUDMOD ng condom sa harap ng gate ng Batasang Pambansa Complex ang celebrity-singer na si Mocha Uson ng grupong Mocha Girls.

Bandang alas-onse umaga nitong Martes ay nagtungo si Mocha sa Batasan bitbit ang may 100 tricycle drivers na pumapasada sa Batasan upang ipabatid na sinusuportahan niya ang Reproductive Health (RH) bill na muling pagdedebatehan ngayong hapon sa plenaryo.

Kasabay nito, nanawagan si Mocha kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao na huwag sanang harangin ang pag-usad ng RH bill sa Kamara de Representantes at hayaang magpatuloy ang debate para sa kapakanan ng nakararami.

Ani Mocha, sana isipin ni Pacquiao ang kapakanan ng mga mahihirap na walang kakayahang bumili ng contraceptives at kulang ang kaalaman sa tamang pagpaplano ng pamilya.

Sa pamamagitan ng RH bill ay magkakaroon ng access ang lahat mahirap at mayaman sa impormasyon ukol sa Family Planning na magiging available sa lahat ng health centers.

Nagmistula namang miyembro ng media si Davao Rep. Mark Douglas Cagas nang interbyuhin ng mambabatas si Mocha, na nagulat pa nang mapag-alamang ang kaharap pala niya ay isang kongresista.

Maging si Cagas ay pinayuhan si Pacquiao na kung seryoso ito sa hangaring masugpo ang kahirapan sa Pilipinas ay dapat nitong tangkilikin ang RH Bill, dahil ang tamang pagpaplano ng pamilya ay magdudulot ng ginhawa sa bawat pamilya.

Bukod sa mga tricycle driver, inabutan din ni Mocha ng condom si Cagas at mga security guard ng Batasan Complex.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply