Modus sa miscellaneous fee ng mga paaralan kakalkalin

HINDI na nakatiis ang isang senador sa panloloko ng ilang pribadong unibersidad at kolehiyo na bagama’t inaanunsyong hindi magtaas na tuition ay mataas naman ang singil sa miscellaneous fee kaya’t nagpasa ng panukala upang mapigil ang nasabing maling gawain.

Nitong Huwebes, inihain ni Sen. Manny Villar ang Senate Resolution No.488, na nag-aatas sa Senate committee on education at youth, women and family relations na imbestigahan ang hindi makatuwirang paniningil ng mataas na miscellaneous fee sa mga estudyante.

“Schools advertising ‘no tuition fee hike’ but conceal additional and hidden charges in the guise of miscellaneous fees mislead students and parents alike,” ayon kay Villar.

Sinabi ng senador na naitataas ng mga eskuwelahan ang presyo ng miscellaneous fee hanggang gusto nila dahil hindi ito kailangan pang aprubahan ng Commission on Higher Education (ChEd), hindi tulad ng tuition.

Dahil sa hindi ito pinapakialaman ng ChEd, kung anu-anong bayarin na lamang ang ikinakarga ng mga unibersidad at kolehiyo sa miscellaneous fees, na ang ilan ay hindi naman lubusang napapakinabangan ng mga estudyante.

“The non-regulation of miscellaneous fees has given some colleges and universities the freedom to impose redundant, excessive and often ridiculous charges, which they lump together in so-called miscellaneous fees,” ani Villar.

“Examples of these absurd charges are air-con fees, energy fees (para sa charging ng cellphone at iba pang electronic gadget), internet/email fees, sports/athletic fees, UAAP fee, etc.,” dagdag ng senador.

Giit ni Villar, hindi dapat itinatago ng mga eskuwelahan ang impormasyong ito sa mga estudyante at magulang upang sa gayon ay hindi sila nabibigla sa laki ng kanilang bayarin.

Nagbabala pa ito na kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran, lalong liliit ang bilang ng mga estudyante na nag-aaral sa pribadong paaralan dahil sa napipilitan ang marami na lumipat sa mga public school, kung saan mas mura ang matrikula.

Sa darating na schoolyear, umaabot sa 281 private tertiary school mula sa tinatayang 2,000, ang binigyan ng ChEd ng permiso na makapagtaas ng tuition.

Itinakda ni Sen. Edgardo Angara, chairman ng nabanggit komite, ngayong Hunyo 2 ang pagdinig sa resolusyong inihain ni Villar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply