Mommy Dionisia tinira ng mga bading, tomboy

GALIT na tinuligsa ng mga bakla at transgender na miyembro ng Progressive Organization of Gays (ProGay) Philippines si Mommy Dionisia “Pac-Mom” Pacquiao dahil sa mga maaanghang na salitang binitiwan nito laban sa mga miyembro ng “third sex” nang makipagsagutan ito kay Sen. Miriam Defensor-Santiago ukol sa isyu ng Reproductive Health (RH) bill.

Matatandaang nagpakawala si Mommy Dionisia ng mga katagang: “Tingnan mo, mga bakla, kaiinom ng pills na hindi na bagay inumin ng mga bakla kasi lalake sila. Ginagawa sila ng Diyos na lalake. Umiinom talaga sila ng pills para magsilaki ang dede. Bawal ‘yan!”

Ayon kay Goya Candelario, spokesperson ng ProGay, labis na nasaktan ang mga katulad niyang bakla dahil sa mga salita ng Pac-mom ay bumuhay umano muli sa “halimaw” ng transphobia at homophobia sa larangan ng medisina sa Pilipinas.

Makikita umano ito sa mga kritikal at “hostile” na pag-uugali tulad ng diskriminasyon at karahasan sa mga “homosexual”.

Sinabi ni Candelario na buo pa rin naman umano ang respeto nila kay Mommy Dionisia dahil sa pagiging ina ni Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao, ngunit dapat rin umano nitong malaman na nasagasaan sila ng kanyang mga walang pakundangang mga salita.

Inamin nitong totoong maraming dukhang bakla at transgender na gumagamit ng contraceptive pills ngunit hindi umano ito dapat tingnang imoral.

Paliwanag ni Candelario: “Marami sa amin siyempre dapat gumamit ng female hormones kasi nga ang hanapbuhay namin ay sa turismo at pagpapaganda. Ang hirap nga lang, ang mga hormones ay masyadong mahal, hindi namin afford, mga mayamang bakla lang ang kayang bumili ng tamang hormones. Kaya kaming mga anakpawis na bakla, ang tanging alternatibo namin ay mga birth control pills, kasi mura at madaling mabili.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply