Montiel-Donaire rematch malabo

HINDI na umano umaasa si Mexican boxer Fernando “KOchulito” Montiel na makakaharap niya muli sa ring si Pinoy ring icon Nonito Donaire Jr.

Katunayan ay hindi muna niya pagtutuunan ng pansin ang pagboboksing kaya nagtayo siya ng negosyong mapaglilibangan niya.

Itinayo niya ang Montiel Gym sa Los Mochis, Sinaloa, Mexico kung saan kahapon ay isinagawa ang official grand opening.

Kabilang naman umano sa mga gagamit ng gym ang mismong may-ari na si Montiel, Jorge “Travieso” Arce, Hernán “Tyson” Márquez at iba pang Mexican boxing world champions.

Ang naturang gym ay kumpleto sa gamit kung saan ayon kay Montiel ay makakagamit ang iba pang mga nagnanais na magsanay sa murang halaga.

Samantala, si IBF super flyweight champion Cristian Mijares (42-6-2, 18 KOs) ay nanalo ng one-sided twelve round unanimous decision laban kay Carlos Rueda (16-5-1, 13 KOs)  sa Palenque de la Feria Nacional sa Durango, Mexico habang si WBA interim bantamweight champion Hugo “Cuatito” Ruiz (28-1, 25 KOs) ay nagwagi rin ng twelve round unanimous decision laban kay hometown hero Francisco “Panchito” Arce (31-7-3, 28 KOs).

Si Ruiz ay kapatid nina boxing twins Edel at Heriberto Ruiz, habang si Arce ay kapatid naman ni three-division world champion Jorge Arce.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply