Morales KO kay Lopez

NADEPENSAHAN ni Pinoy pug Silvester “Silver” Lopez ang kanyang WBC International super flyweight title nang durugin sa pamamagitan ng 1st round TKO si Mexican Everardo Morales sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Nasapol si Morales ng malupit na left cross sa first round at bumagsak ang Mehikano nang dalawang beses.

Nakatayo pa si Morales subalit nang mapasandal muli sa lubid ay inawat na ni international referee Bruce McTavish ang bakbakan.

Dahil sa panalong iyon, umangat ang kartada ni Lopez sa 16-3-1 kasama ang 12 knockouts gabang si Morales ay nalugmok sa 34-17-2 taglay ang 23 knockouts.

Ayon sa ulat, ang talong iyon ng 34 taong gulang na Mehikano kay Lopez ang siyang pangatlo niyang sunod na TKO loss.

Natalo siya kay champion Hugo Fidel Cazares sa WBO world title fight noong July 3, 2010 via 7th round TKO at noong March 26, 2011 na 3rd round TKO kay Jose Salgado para sa bakanteng North American Boxing Federation title.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply