Moratorium sa tuition fee malabong maipatupad

MALABO umanong maipatupad ang panukalang moratorium ng tatlong taon sa pagtataas ng matrikula sa mahigit 200 universities and colleges sa bansa ngayong nalalapit na ang pasukan.

Ito ang naging reaksyon ni Senador Edgardo Angara makaraang ipanukala ng Kamara ang moratorium sa tuition dahil sa nararanasang krisis ng mamamayan.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate committee on education na maaapektuhan naman ang operasyon ng unibersidad at kolehiyo kung magpapatupad ang pamahalaan ng moratorium sa pagtaas ng matrikula.

Gayupaman, may nakikitang solusyon si Angara at ito ay ang pagre-channel ng savings ng gobyerno at maging bahagi ng P8 bilyon pondo sa ilalim ng government assistance to students and teachers in private education (GASTPE) bilang subsidiya ng tuition ng mga mahihirap na mag-aaral.

Nauna rito, nangangamba ang commissioner on higher education na tataas pa ang bilang ng mga high school student na hindi nakapagkolehiyo dahil sa sobrang taas ng matrikula.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply