Motel, malalaswang magazine bawal na sa Munti

MAGANDANG balita para mga ginang at girlfriend ng nangangaliwang mister at nobyo ang mahigpit na pagbabawal sa pagtatayo ng panibagong motel sa Muntinlupa.

Batay sa Executive Order No. 8 na inilabas ng pamahalaan sa pag-iisyu ng businees permits, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng panibagong motels at inns sa naturang lungsod.

Ang kautusan ay nilagdaan ni Muntinlupa City Mayor Aldrin L. San Pedro na naglalayong maprotektahan ang moralidad at kapananan ng publiko, lalo ang kababaihan at kabataan sa lungsod.

Ayon kay San Pedro, ang nilagdaang kautusan ay makatutulong para mapigil ang talamak na prostitusyon na bumibiktima ng mga babaeng menor de edad sa lungsod.

Bukod sa pagbabawal ng pagtatayo ng motel, bawal na rin sa lungsod ang obscene shows o malaswang panoorin sa sinehan, entertainment centers at food centers o pribadong lugar.

Kabilang din sa inaprubahang ordinansa ang pagbabawal sa pagbebenta ng porn magazines at paglalagay ng sexy billboard ads sa buong lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply