Motel sa tapat ng simbahan kinondena

NAGLUNSAD ng kilos protesta ang may 100 pari at madre ng Apostolic Catholic Church sa Edsa, Quezon City  para tutulan ang itinatayong motel sa tapat ng kanilang simbahan.

Dakong alas 4:00 ng hapon nang maglunsad ng kilos protesta ang mga miyembro ng naturang Catholic Church sa tapat ng kanilang simbahan sa Edsa, Bgy. Veterans, QC dala ang placards na “No to Motel.”

Pinangunahan ni Patriarch John Florentino Teruel, Bishop ng Apostolic Catholic Church, isang Orthodoxt at Roman Catholic Church  sa 1003 Edsa,Bgy. Veterans, QC ang kilos protesta para tutulan ang itinatayong  motel  sa tapat mismo ng kanilang simbahan.

Sinabi pa ni Bishop Teruel ang itinatayong gusali sa Edsa, Bgy. Ramon Magsaysay  sa tapat mismo ng kanilang simbahan ay hinihinalang isang motel base sa kanilang nakalap na dokumento na labis na tinututulan ng kanilang simbahan.

Nanawagan din si Bishop Teruel kay QC Mayor Herbert Bautista tungkol sa itinatayong motel na pakialamanan ang naturang bagay dahil makakasira umano ito sa kanilang simbahan.

Ayon pa kay Bishop Teruel labis umano siyang nagtataka kung bakit nabigyan ng building permit ang itinatayong motel ng Quezon City Building Official na ang naturang may-ari umano ng ginagawang gusali ay ang Nice Hotel/Motels.

Sinabi pa ng Obispo na mariin nilang tinututulan ang pagpapatayo ng naturang gusali dahil katabi lamang ng itinatayong  motel ang kanilang simbahan at paaralan na Quezon City Academy at San Francisco High School.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply