Motel sa tapat ng simbahan sa QC tinutulan

MAS nadagdagan pa ang bilang ng mga tumututol sa pagkakaroon ng motel sa tapat ng simbahan malapit sa mga paaralan sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City.

Ito ay makaraang suportahan ng National Social Action Council (NaSAC) na nakabase sa University of the Philippines (UP) ang  Apostolic Catholic Church (ACC) sa pagtutol sa itinatayong  motel sa tapat ng simbahan sa naturang lugar.

Nagpalabas ng resolusyon ang executive board ng NASAC para pahintuin ang  pagtatayo ng hotel/motel sa 1098 EDSA, Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay QC.

Ang NASAC ay isang pambansa at lokal na advisory council ng pamahalaan, simbahan at pribadong sektor para sa mga development programs at projects. Nabigyan sila ng mandato alinsunod sa Executive Order No. 182 at Presidential Decree No. 254.

“NASAC support the actions of the Apostolic Catholic Church against the construction of the motel/hotel in front of its Church which is contrary to law and presents risk to the health, safety, and morality of the students and the community in the area,” nakasaad sa nilagdaang resolusyon  ni NASAC acting board secretary Archie C. Organo at pinagtibay ng vice chairman nitong si Dr. John Florentino L. Teruel, P.P. na Bishop din ng ACC.

Una nang  naglunsad ng kilos-protesta ang may 100 pari at madre ng ACC sa EDSA, Quezon City  para tutulan at ipanawagan kay Mayor Herbert Bautista ang pagpapatigil sa itinatayong motel sa tapat ng kanilang simbahan na malapit din sa dalawang paaralan – ang Quezon City Academy (QCA) at San Francisco High School (SFHS).

Nilabag umano ng developer na siya rin umanong may-ari ng  Nice Hotel ang National Building Code at ang Zoning Ordinance ng QC  dahil sa pagtatayo ng ganoong uri ng establisimiyento malapit sa simbahan at paaralan.

“Construction of motels/hotels within the 500-meter radius near schools and churches violates the National Building Code, and the Zoning Ordinance of Quezon City, aside from the fact that establishments like hotel/motel near schools are known contributory to the increase incidences of crimes against women and properties,” ayon pa sa NASAC.

Nangangamba pa ang ACC na posibleng nakakuha ng building permit ang nagpapatayo ng naturang gusali sa pamamagitan ng korapsiyon at kahina-hinalang proseso.

Ayon sa NASAC, matagal na umanong naghain ng petisyon ang ACC sa tanggapan ni Mayor Herbert Bautista laban sa konstruksyon ng hotel/motel na nabanggit ngunit bigo ang alkalde na ituon ang atensiyon sa naturang usapin. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply