Motor sumalpok sa center island, crew todas

PATAY sa aksidente ang isang Jollibee service crew nang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang center island sa Quezon City.

Kinilala ni P/Insp. Apolinario Lumanlad, ng Traffic Sector 4 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), ang biktima na si David Lafuersa, 21, ng 96 Catalina St., Barangay Sienna.

Si Lafuersa ay binawian ng buhay sa lugar mismo ng pinangyarihan ng aksidente dahil sa pagkabagok ng ulo at pagkalasog ng katawan.

Sa imbestigasyon ni Insp. Lumanlad, dakong 10:30 kagabi nang maganap ang aksidente sa Araneta Avenue.

Galing umano sa Quezon Avenue patungo sa E. Rodriguez Ave. si Lafuersa sakay ng kanyang Honda Wave motorcycle (ON 3228) nang pagsapit sa Araneta Ave. ay bigla na lamang sumalpok ang kanyang sasakyan sa center island.

Ayon sa ilang nakasaksi, sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima na una ang ulo na bumagsak sa sementadnong kalsada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply