Motorsiklo vs truck: 3 patay

DAGLIAN ang inabot na kamatayan ng tatlong tao matapos salpukin ng kanilang sinakyang motorsiklo ang isang nakaparadang trailer truck sa kahabaan ng National Highway sa lungsod ng Minglanilla, Cebu, base sa ulat ng kapulisan.

Sa report na natanggap ng PNP Central Operation Command sa Camp Crame, dead-on-the-spot sina Bernard Bacus, 23, binata, at si Cristilyn Alidon, 25, dalaga.

Sinubukan namang isalba ang buhay ng isa pang biktima na kinilalang si Aime Sabellita, ngunit idineklara itong dead-on-arrival pagdating sa South General Hospital.

Sa imbestigasyon ni PO1 Renato Masangkay, napag-alaman na galing ang mga biktima sa siyudad ng Naga.

Tinatahak ng tatlo ang Barangay Tungkop, Minglanilla Highway, nang biglang nag-overtake ito sa ibang sasakyan.

Sa kasamaang-palad ay nawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo at tuluyang sumalpok ito sa nakaparadang trailer truck.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply