Motosiklo sumirko, 2 lasog

PATAY ang isang babae at lalaki makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Novaliches, Quezon City, madaling-araw ng Miyerkules.

Ayon sa report ng dzBB, natagpuan ang dalawang bangkay na lasug-lasog sa sa mismong malapit sa kanilang sinakyang motorsiklo (4056-UI) sa Belfast Street, Pasong Putik village, Novaliches bandang 3 a.m.

Tinatayang nasa edad na 17 hanggang 18 ang mga biktima. Nakasuot ng black T-shirt at denim pants ang lalaki habang nakasuot naman ng striped shirt at leggings ang babae.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply