MRT, LRT di magtataas ng pasahe sa pasukan

MAGANDANG balita para sa mga mag-aaral, office workers at iba pang commuters ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), dahil hindi magtataas ng pamasahe ang dalawang pangtransportasyong serbisyo sa Hunyo, kung kalian magsisimula ang pasukan sa eskwelahan.

Sinabi ni Secretary Jose “Ping” de Jesus, kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC), na walang pagtaas-pasahe sa MRT at LRT upang mapagaan ang gastusin ng mamamayan, lalo na ng mga mag-aaral ngayong pasukan.

Nilinaw ni De Jesus, sa pamamagitan ni Transportation and Communications spokesman Dante Velasco, na ang hakbang ay ginawa bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III na maalalayan ang mga mamamayan sa araw-araw na pamumuhay.

“Wala na munang taas-pasahe sa LRT at MRT, lalo na sa opening ng klase ng mga mag aaral,” ani Velasco. “Ayaw na naming madagdagan pa ang gastusin ng taumbayan kaya hindi na dapat mangamba ang mga magulang ng mga mag-aaral sa inaasahang taas-pasahe dito dahil hindi ito mangyayari.”
Sinabi rin ni Velasco na patuloy pa rin ang paghahanap ng dagdag na mahusay na serbisyo-publiko sa mga mananakay sa bansa upang ligtas at maayos na mararating ng mga ito ang kani-kanilang destinasyon sa bansa.

Una nang inabisuhan ni Pangulong Aquino ang pamunuan ng DOTC na bigyan pa ng mas mahusay na serbisyo ang taumbayan para sa pagkakaroon ng  maayos na pamumuhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply