Mt. Mayon, Bulusan at Taal sabay na nag-aalburuto

TULOY-TULOY sa pag-aalburuto ang tatlong bulkan sa bansa kaya naman nagsagawa na ng closed-door full council meeting ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ani NDRRMC chairman Benito Ramos,  ang pagpupulong ay kanilang ginawa para mapaghandaan ang posibleng kalamidad na dala ng Bulkang Mayon sa Albay, Bulkang Bulusan sa Sorsogon at Bulkang Taal sa Batangas.

Sinabi ni Ramos, partikular nilang tinututukan ang mga paghahanda sa posibilidad na sabay-sabay na sumabog ang tatlong bulkan.

Si National Defense Sec. Voltaire Gazmin ang nanguna sa pulong na siya ring tumatayong chairman ng grupo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply