Muling pagbabalik ng US military bases, pinangangambahan

NAGBANTA si Senadora Loren Legarda na posibleng bumalik ang US military bases sa bansa.

Kasabay nito, ang pangamba malagay sa panganib ang mamamayan sa posibleng pagganti ng mga international terrorist matapos ang ulat na napatay na ang lider ng Al Qaeda na si Osama Bin Laden.

Ayon kay Legarda, chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, na dadaan sa butas ng karayom sa Senado ang planong pagbabalik muli ng base militar ng Estados Unidos.

“We need not make an interpretation of what may and may not be allowed in our country in terms of foreign military basing,” giit Legarda.

Ipinaliwanag ni Legarda na malinaw na nakasaad sa ilalim ng 1987 Constitution na hindi pinapayagan ang mga foreign military bases, troops at mga pasilidad ng dayuhang military sa bansa, maliban lamang kung ito ay nasa ilalim ng treaty o kasunduan na dumaan sa Kongreso o Senado.

Gayunpaman, ayaw bigyan ng kulay ng senadora ang ginawang pagbisita ni US Sen. Daniel Inouye at Sen. Thad Cochran sa Subic Bay Freeport nitong nakaraang linggo na posibleng pagka-interes na muling ibalik ang base militar sa lugar.

Iginiit ni Legarda na kung sakaling magkaroon ng planong muling ibalik ang base militar sa lugar o sa ibang lugar man sa bansa, dapat lamang na anumang treaty o kasunduan ay dumaan sa pagsusuri ng senado upang malaman kung may magiging pakinabang ang bansa dito o maaring mapahamak lamang sa posibleng pag-atake ng mga international terrorist bilang paghihiganti sa nasawing lider na si Osama Bin Laden.

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply