Multi-million tax evasion ikinasa vs 2 GSIS execs

SINAMPAHAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion ang dalawang dati at incumbent Government Service Insurance System (GSIS) board members na pumalyang magdeklara ng kanilang kita at magbayad ng tamang halaga ng buwis.

Sinabi ng BIR na ang dating board member na si Esperanza Ocampo ay may tax liability na P13.7 milyon, habang ang incumbent board member na si Mario Ramirez ay P9.3 milyon.

Sa ikinasang news briefing, sinabi ni BIR Commissioner Kim Hacinto-Henares na si Ocampo ay nakatanggap ng taxable income ng P27.7 milyon bilang GSIS board member. Habang si Ramirez ay P18.3 milyong taxable income.

Pero nang beripikahin sa BIR’s Returns Processing System, natuklasan na pumalya si Ocampo na ideklara ang kanyang kita mula 2004 hanggang 2010, habang pumalya rin si  Ramirez na ideklara ang kita mula 2008 hanggang 2010.

“It’s in the system. So I hope everyone would do the right thing, report the right income sales revenue and expenses. Because sooner or later, we will be able to detect it,” banta ni Henares.

Idinagdag pa nito na ang BIR’s inquiry ay nag-igting sa imbestigasyon ng Senate finance committee sa umano’y fat bonuses at perks na tinanggap ng mga opisyal ng Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) tulad ng GSIS.

Multi-million tax evasion ikinasa vs 2 GSIS execs
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply