Multiply bumanderang tapos

MATAGAL na nagbakasyon si Multiply at habang nagpapahinga ito namamayagpag naman sa karerahan sina 2010 Presidential Gold Cup king Yes Pogi at 2011 PHILRACOM Diamond I 3rd Leg Imported/Local Challenge race ruler Juggling Act.

Nitong Biyernes ng gabi, Mayo 27, tila naghahamon si Multiply sa nasabing dalawang matitikas na kabayo matapos ipakita ng una ang impresibong panalo sa “Mr. Charlie Ang Cup” na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ibinanderang tapos ni star jockey Jeffrill T. Zarate si Multiply upang sungkitin ang added prize na P5,000 na inisponsoran mismo ni Mr. Charlie Ang.

Naitala ni Multiply ang magandang tiyempong 1:33.8 sa distansyang 1,500 meter race upang tawirin ang meta ng may walong kabayo ang agwat sa nasegundong si Getting Better.

“Parang bitin kay Multiply ‘yung distansya kasi lalo pa siyang lumalakas pagsapit ng rektahan.” ani class A rider Zarate. “Magaling pa rin talaga si Multiply kahit galing sa matagal na bakasyon.”

Si Multiply na pag-aari ni businessman Hermie S. Esguera ay tinalo si former super horse at PGC winner Ibarra at pagkatapos ng kanilang laban nakaraang taon ay hindi na nakita sa pista ang una.

Tumersero sa laban si Mini The Mouse na sinakyan ng isa ring star jockey na si Jonathan “Unoh” Hernandez habang pumang-apat si Lucky Find.

Samantala, sinilat ng dehadong si Smart Guru ang top favorite na si Dimasalang sa naganap na 3rd National Press Club Horse Racing Cup.

Sa home stretch nasa unahan ang bumanderang si Dimasalang subalit sa huling 100 metro ng laban ay naungusan na ito ni Smart Guro upang iuwi ng huli ang P180,000 top purse na hinandog ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Nakopo ni Dimasalang ang P67,500 para sa secong placer at P37,500 ang napunta kay Whistler na pumangatlo sa laban.

Tumiyempo si Smart Guro na ginabayan ni class A jockey Antonio B. Alcasid ng 1:29.8 sa 1,400 meter race. Elech Dawa

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply