Murder suspect pinatay o nagbitay?

INAALAM pa ng mga pulis kung sadyang  nagbigti  o binigti ang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang karibal  sa isang babae matapos matagpuang nakabigti sa punong mangga ilang oras matapos ang sinasabing pagpatay sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Parang nakatayo lamang  nang madiskubre ang bangkay ng sinasabing suspek na si Conrado Acosta, 49, security guard  at residente ng 339 Maria Fatima St., Dona Carmen, Brgy. Commonwealth.

Si Acosta ay nadiskubreng nakabitin alas 6:00 ng umaga sa isang punong mangga sa Don Macario St., Dona Nicacia Subd.,  nasabing barangay.

Batay sa ulat ni POI Jayson Tolentino, radio operator ng  Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD)  si  Acosta ay suspek sa pagpatay  kay  Glen Valdez, 36,  buy & Sell agent at pambubugbog sa live-in partner ng una  na si  Cathrine  Resos, 34, dalaga.

Napag-alaman  na  si Acosta ay masugid umanong manliligaw ni Resos sa kabila ng live-in partner na ito ng biktimang si Valdez.

Lumitaw sa pagsisiyasat na bago natagpuang patay si Acosta ay pinuntahan umano nito ang kursunadang  si Resos mga pasado alas-12:12 kaninang mdaling-araw at doon  ay pilit  pinasasagot ng una  ang huli kung gusto siya ngunit nang tumanggi ang  babae ay  binugbog siya  ni Acosta.

Umawat umano sina Mylene Valdez at Amy Estacio at pilit pinakalma si Acosta ngunit hindi pinansin ang dalawa at sa halip ay ipinagpatuloy pa rin nito ang pambubugbog kay Resos hanggang sa dumating   si Valdez matapos marinig ang komosyon at tinangkang saklolohan ang kalive-in nang makita niyang ginulgulpi ni Acosta.

Paglapit ni Valdez ay agad pinagsasaksak siya sa leeg at ibang parte ng katawan ni Acosta bago tumakas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply