Murder vs Abra governor ipinasulong ng CA

IPINASUSULONG ng Court of Appeals sa  Quezon City Regional Court ang paglilitis sa kasong murder laban kay dating  Abra Governor Vicente Valera  kaugnay sa pagpatay noong 2006 kay  Representative Luis “Chito” Bersamin, kapatid ni  Supreme Court Justice Lucas Bersamin.

Batay sa 19-page decision, ibinasura ng Court of Appeals 10th division  ang petisyon ni Valera na kumukwestiyon sa naging resolusyon ng mababang korte,  na arestuhin at litisin si Valera sa kasong murder.

Ayon kay Associate Justice Hakim Abdulwahid, walang merito ang petisyon ni Valera.

Hindi rin daw napatunayan ng respondent na si Valera na may naging pag–abuso ang lower court nang mag-utos na arestuhin si Valera.

Bukod kay Valera, akusado rin sa kaso sina Jerry Turqueza at Sgt. Leo Bello Hall sa pagpatay kay  Bersamin at sa driver bodyguard nito na si SPO1 Adelfo Ortega at  frustrated murder kay  Allan Sawadan.

Ang insidente ay nangyari sa compound ng Mt. Carmel Church sa New Manila, Quezon City.

Sinabi ng Quezon City prosecutor office na may probable cause para kasuhan ng murder at frustrated murder sa korte si Valera.

Sa argumento ni Valera, dapat daw ay dinetermina muna ng QC court kung may probable cause bago nagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya dahil wala raw ebidensya na nagpapakita na may pakikipagsabwatan sa pagpatay kay Bersamin bukod pa sa ‘inadmissible” ang testigo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply