Muslim vs Kristiyano: 12 patay

ISANG MALAKING hamon sa mga militar na kasalukuyang namamahala sa Ehipto kung papaano aapulahin ang tumitinding sigalot sa pagitan ng mga muslim at kristiyano sa lugar matapos magpang-abot ang mga ito na ikinasawi ng 12 katao at tinatayang 42 ang nasugatan.

Umaabot ng daan-daang mga kristiyanong kalalakihan ang pumunta sa Central Television building sa Cairo para ipahayag ang kanilang kagustuhan na maalis na sa puwesto si Field Marshal Mohamed Hussein Tantawi nang salubungin ito ng grupo ng mga muslim para pakalmahin ang mga kristiyano. Nag-umpisa umano ang gulo ng hindi magkaintindihan ang dalawang grupo at tuluyang nagkabatuhan.

Si Tantawi ang siyang pinuno ngayon ng mga militar matapos palayasin sa puwesto si dating Egyptian President Hosni Mubarak noong buwan ng Pebrero.

Patuloy na umano tinutugis ng mga militar ang mga nag-umpisa sa naturang kaguluhan. Hawak na ngayon ng militar ang umaabot na 190 katao para isailalim sa military court.

Kinansela naman ni Egypt Prime Minister Essam Sharaf ang kanyang mga lakad sa Gulf Arab states dahil sa kaguluhan at ipinag-utos na bantayan maigi ang mga simbahan ng dalawang grupo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply