Na-hijack na Pinoy seafarers nasa PH na

MASAYANG nakabalik sa kani-kanilang pamilya ang 24 na tripulateng Pinoy na pinalaya ng mga piratang kumubkob sa MV Renuar na kanilang pinagtrabahuhan.

Ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga seafarer ay dumating Huwebes ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Emirate Airlines.

Ang mga Filipino crew ay inagapayan ng mga kinatawan ng barko at ng local manning agency sa Dubai bago lumipad patungong  Manila.

Ang mga seafarer ay sinalubong sa NAIA ni Legal Officers Emily Villanueva at Dennis Bregala ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs.

Ang mga Pinoy ay inihatid ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kani-kanilang pamilya.

Ang MV Renuar, isang Panama-flagged na barko, ay kinubkob ng mga pirata noong Disyembre 11, 2010 habang naglalayag sa Indian Ocean.

Ang cargo vessel ay naglalayag sa Fujairah, United Arab Emirates mula sa Port Louis Mauritius nang salakayin ng mga pirata.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 79 na Filipino seafarers pa sa siyam na barko ang nananatiling nasa kamay ng Somali pirates.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply