Naaagnas na bangkay natagpuan

NAAAGNAS na ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki nang matuklasan sa loob ng isang maliit na kubo na nakatirik sa bakanteng lote Martes ng hapon, Mayo 17, sa Taguig City.

Bukod sa nakatarak na ice pick sa batok na tumagos sa noo, basag pa ang bungo ng biktima na nakasuot ng sando at maong na pantalon matapos bagsakan ng malaking tipak na bato na nakuha sa tabi ng bangkay sa loob ng maliit na kubo na Lot 23, blk. 1, Aguinaldo street sa Phase 1 ng AFPHOVAL Subdivision.

Hinahanap naman ng pulisya ang magkapatid na Cesar at Mark Sevilla na tumatayong caretaker ng naturang bakanteng lote na hinihinalang may kagagawan sa naturang krimen.

Lumabas sa pagsisiyasat nina PO3 Dennis Matriano at PO2 Kenth Masnan ng Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Taguig Police na nag-inuman sa naturang kubo noong Linggo ng hapon, Mayo 15, ang magkapatid kasama ang hindi pa kilalang biktima.

Sa pahayag ng testigong si Purita Terubpella, 40, residente rin sa naturang lugar, inalok pa siya ng magkapatid na makipag-inuman noong Linggo dakong alas-3 ng hapon subalit tinanggihan niya ang alok.

Natuklasan lamang ang bangkay ng biktima dakong alas-5 ng hapon ng Martes nang masilip ng limang taong gulang na anak ni Elena Mahomas ang duguan at nakasubsob na bangkay habang nasa itaas ng puno ng mangga na malapit sa kubo na tinutuluyan ng magkapatid na Sevilla. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply