Naarestong tulak ng droga lumaklak ng asido

TUMUNGGA ng muriatic acid ang isang pinaghihinalaang tulak sa loob ng palikuran ng Station Anti-illegal Drug Special Operation Task Group (SAID SOTG).

Nakilala ang nagpatiwakal na si Arnold Pag-Ong, isa sa dalawang hinihinalang tulak na nahuli sa isang buy bust operation na inilunsad ng mga elemento ng nabanggit na tanggapan noong Miyerkules ng umaga, Mayo 4, sa Market-Market, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Nahuli si Pag-Ong at Gilbert Antolinao ng mga elemento ng SAID SOTG sa ilalim ng pamumuno ni PCInsp. Mihilan Payao dakong alas-8:45 ng umaga.

Sa hindi binanggit na dahilan ay nakarating si Pag-Ong bandang 4:25 ng hapon sa palikuran ng SAID SOTG at doon nito isinagawa ang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng asido.

Agad itong isinugod ng mga awtoridad sa Cruz Rabe Hospital subalit agad din na inilipat sa ibang pagamutan.

Tumangging magbigay ng pahayag ang nasabing hospital sa kalagayan ni Pag-Ong subalit marami ang naniniwala na himala na lamang ang makapagliligtas sa ganitong uri ng pagpapatiwakal.

“Mabilis at matindi ang injurious effect ng asido sa internal organ ng tao kapag tinungga niya ito. Slim ang chances na mabuhay,” ayon sa mga awtoridad. PP CORPUS

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply