Naburyong na lolo sinilaban ang sarili

DAHIL sa sorang depresyon kaya nagawang sunugin ng isang lolo ang kanyang sarili makaraang maligo muna ng gasolina sa La Union.

Halos hindi na makilala sanhi ng tinamong sunog sa buong katawan si Eduardo Andrada, 67, walang permanenteng tirahan.

Sa ulat na nakalap sa San Fernando City Police Station, naganap ang insidente sa isang bisinidad sa Purok 1, Barangay Pagdalagan, San Fernando City.

Ayon sa mga nakasaksi, bago ang pangyayari ay nakita nila itong nagsusunog ng mga basura sa nabanggit na lugar.

Pero ilang minuto pa, natagpuan na lamang itong  nakahandusay at sunog na ang katawan.

Ayon sa pulisya, nasa tabi ng bangkay ng biktima ang isang galon ng gasolina na ipinanligo muna nito bago nagsilab ng sarili.

Hinala naman ng mga kaanak ni Andrada na dahil sa depresyon kaya nagawang magpakamatay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply