Nadal vs Djokovic sa 2011 4th Finals

SA isang pambihirang sitwasyon ay magkakaharap muli sina World No. 1 Rafael Nadal at World No. 2 Novak Djokovic sa pang-apat na pagkakataon sa finals ng kapwa sinasalihang torneo.

Nakatakda silang magharap sa Italian Open sa Rome makaraang talunin ang kani-kanilang mga kalaban sa semi-finals.

Pinayuko ni Nadal si Richard Gasquet sa iskor na 7-5, 6-1 para sa unang ticket sa finals. Samantalang pinahirapan muna ni World No. 4 Andy Murray si Djokovic sa iskor na 6-1, 3-6, 7-6(2) pabor sa huli.

Hindi pa nakakaganti si Nadal kay Djokovic nitong taon matapos siyang ipahiya sa kanilang tatlong nakaraang finals match. Dinaig ang Espanyol na si Nadal sa Indian Wells, Miami Open at Madrid Open ni Novak.

“Every aspect of the game will be important. I know Djokovic is playing at an exceptional level right now, but I just have to fight to the end like I always do. If I don’t beat him tomorrow, then the next match,” pahayag ni Nadal.

Si Djokovic ay kasalukuyang hinahabol ang pinakamahabang winning streak ni John McEnroe na naitala taong 1984 na merong 42 sunod-sunod na panalo. Ang panalo niya kontra Murray ay ang kanyang ik-36 sunod ngayong taon at ika-38 sunod simula pa noong huling araw ng nakaraang taon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply