Nagkaka-trapik-trapik sa Pasay dahil sa mga kotongero

TRRRAAPIK… Ito ang isinisigaw na reklamo ng mga taga-Pasay City lalo na sa Redemption Office ng city hall.

At paanong hindi raw magkakatrapik-trapik sa nasabing lugar, eh, grabe raw ang lagayan o kotongang ginagawa ng mga tauhan ni City Mayor Tony Calixto.

Wala na raw ginagawa ang mga tauhan ni Mayor Calixto kundi ang mangotong sa mga terminal ng mga FX, jeep at mga bus.

Wala raw ginagawa itong si Pasay City Chief of Police Supt. Napoleon Cuaton para masugpo na ang talamak na kotongan  sa nasabing lugar.

Basahin natin ang nilalaman ng mga text message na ipinadala sa atin.

Gud pm, Sir Johnny.

Magrereklamo po ako tungkol sa trapik sa Redemption Office sa Pasay City. Grabe ang lagayan diyan, lalo na yung mga tao ni Mayor Calixto na sina Jonard at yung babae na maputi na alyas Justine.

Pinagbabayad kasi kaming mga driver nang walang resibo na ibinibigay. Pag kinausap namin, ang sabi ay balikan daw namin pero wala  rin, hindi rin ibinibigay. Tinatakot pa kami nung Jonard na pag nangulit kami ipatatrabaho raw kami para hulihin.

Sana mapaalis na ‘yung mga taong ito.

Salamat po.

LOTENG DI MASUGPO NI SUPT. CARDONA

Silipin natin muli ang  malawakang operasyon ng sugal na loteng ng mag-asawang Cris at Rose sa Bagong Ilog, Pasig City.

Hindi matinag ang pasugalan ng magjowang Cris at Rose dahil pasok daw sila sa lahat ng intelihensiya sa kapulisan.

Ipinagmamayabang ng magjowang Cris at Rose na hindi sila kayang hulihin ng hepe ng Pasig na si Supt. Jessie Cardona dahil sa “naka-tongpats” din sa kanila si hepe.

O, hayan ha Supt. Cardona, kaya raw hindi ninyo hinuhuli ay may tongpats daw kayo.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply