Nagkakanlong sa ‘killer’ bus driver kakasuhan

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang kumukupkop sa drayber ng “killer bus” na nakaaksidente at nakapatay sa beteranang mamamahayag na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan na sasampahan ng kasong “obstruction of justice.”

Hindi pa lumilitaw si Daniel Espinosa, drayber ng Universal Guiding Star bus na nakabangga sa taksing sinasakyan ni Estalla-Simbulan noong Biyernes sa Commonwealth Ave., Quezon City, mula nang takasan nito ang lugar ng aksidente.

Ayon kay PNP Highway Patrol Group S/Supt, Edwin Bitacan, hindi paliligtasin sa kasong kriminal ang sinumang kumakanlong kay Espinosa, na sa una pa’y hinimok na ng mga awtoridad na sumuko na.

Napabalitang tumakas ang suspek kasama ang pamilya nito  sa hindi pa matukoy na lugar.

Nanawagan naman ang may-ari ng bus na si Madelyn Guillermo kay Espinosa na sumuko na.

Nangako si Guillermo na tutulungan nito si Espinossa sa pagtatanggol sa sarili sa harap ng hukuman.

Humingi rin ito ng pang-unawa sa mga bumabatikos sa kanyang kumpanya dahil hindi naman umano nila kagustuhan ang nangyari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply