Nagnanakaw ng kuryente tuluyan- Mayor Lim

HINIMOK ni Manila Mayor Alfredo Lim na kasuhan ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga mahuhuling nagnanakaw o nagkakabit ng iligal na koneksyon ng kuryente sa mga poste ng Meralco

Ayon sa alkalde imbes na pagbayarin ang mga mahuhuling “nagja-jumper” ay mas mabuting sampahan ang mga ito ng kaso.

Anang alkalde, nagiging sanhi pa ng trahedya ang iligal na pagkakabit ng kuryente gaya ng sunog na umaabo sa mga ari-arian at  kumikitil sa buhay.

Napag-usapan din ng Meralco at ng alkalde ang pagpapatuloy ng lighting projects ng nasabing kumpanya sa lungsod  para sa mga kapuspalad na hindi kayang makapagbayad ng kuryente.

Matatandaan na nagkaloob ng libreng 1,020 solar bulbs ng Meralco sa mga kabahayan sa Baseco Compound, Parola Gate 13 hanggang 18 at Isla Putting Bato.

Layon nito na makatulong sa mga mahihirap. Maaaring gumamit lamang ang mga ito ng solar bulb na gawa sa basyong bote ng softdrinks, litrio size, chlorine o chlorox, piraso ng yero at tubig na magsisilbing bumbilya na kukuha ng power mula sa araw na di gumagastos ng mahal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply