Nagtalo sa trabaho: Pintor utas sa kabaro

PATAY ang 37-anyos na pintor matapos pagbabarilin ng kanyang kasamahan dahil sa pagtatalo kaugnay ng kanilang trabaho sa Marikina City, Huwebes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gregorio Vittara, ng Purok 2, Zone 8, Brgy. Cupang, Antipolo City.

Agad namang tumakas ang salarin na si Larry Larracas, ng 81 St., Sitio de Asis, Brgy. SMDF, Parañaque City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:45 ng umaga sa Wacco St., cor. Houston St., Rancho 3 Concepcion Uno, Marikina City.

Ayon sa mga saksi, nagtalo umano ang dalawa kaugnay ng kanilang pinipinturahang bahay na nauwi sa bulyawan.

Makalipas ang ilang saglit ay umalis ang suspek na inakala ng mga kasamahan na tapos na ang pagtatalo, subalit maya-maya ay bumalik ito at may hawak ng baril.

Dito na sunod-sunod na pinaputukan ang biktma na nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay habang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply