Nakapiit na OFWs sa Saudi nais magbalik-Pinas

NANAWAGAN ang militanteng grupo sa Department of Foreign Affiars (DFA) para makabalik sa Pilipinas ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nakakulong sa Saudi Arabia.

Sa pahayag ng Migrante-Middles East, umaabot sa 105 OFW ang nakapiit sa Saudi bagama’t natapos na ang iginawad na parusang pagkakakulong sa mga ito. Inihayag ng pamahalaang Saudi ang pagpapataw ng Royal pardon sa mga nakagawa ng petty crime nitong nakaraang Pebrero.

Ayon sa grupo, noong Pebrero, tinatayang 48 OFW ang nakakulong kaugnay sa iba’t ibang paglabag sa batas sa Saudi Arabia at nakumpleto na nila ang sintensiya.

Maliban sa 105 inmates, mayroon pang ibang OFW ang nakakulong sa Al-Hair, 25-milya ang layo sa katimugan ng Riyadh.

Sinabi rin ng grupo, nanawagan ang naturang OFWs sa pamahalaan upang sila ay matulungan. Bihira umanong bisitahin ng mga opisyal ng Philippine embassy ang mga nakapiit na OFWs para asikasuhin ang kanilang mga pangangailangan at matulungan sa kinakaharap ng kaso. 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply