Nakasisilaw na ilaw ng sasakyan ipagbabawal

NAIS ipagbawal ng isang mambabatas  ang   paggamit  ng masyadong  maliwanang   na  headlights  o headlamps  sa  mga behikulo  upang  maiwasan ang masamang epekto nito sa  mga motorista na nagiging sanhi ng aksidente sa lansangan.

Si Rep. Neri Javier Colmenares (Party-list, Bayan Muna), Vice Chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang nagsulong ng House Bill 3769 na  kikilalaning “An Act Prohibiting the Use of High Intensity Discharge (HID) Headlamps.”

Ayon kay  Colmenares, ang paggamit ng HID o Xenon headlamps ay nakaiirita sa  drivers at pasahero ng makakasalubong lalo na sa  gabi dahil nakakasilaw ito.

Marami na aniyang bansa  ang  nagbabawal na gumamit ng  nabanggit na  ilaw  sa sasakyan  dahil hindi  ligtas ito sa  mga motorista sa  dala nitong  panganib  sa  lansangan.

Ayon kay Colmenares, lumitaw  sa  2008 statistics  ng Department of Health (DOH), na pang-apat  sa listahan ang  mga aksidente  sa lansangan ang  dahilan  ng kamatayan sa bansa.

Ayon din sa  DOH statistics, mas  maraming nagaganap na  aksidente  sa  lansangan  sa  gabi lalo na sa  lugar na  may kadiliman  kung  saan  ay  kinakailangan ng  ilaw  upang  makita ang dinaraanan.

Sa  grabeng  silaw  at  kinang  ng  mga  ilaw  mula  sa mga sasakyan na  gumagamit ng  wala sa  standard na uri  ng  headlights  ay  nagdudulot ito ng pagkasilaw  at lalong hindi na  makita  ang  tamang  daanan  na  magreresulta ng  aksidente.

“The use of these HID headlamps in vehicles, including refitting of tungsten-halogen headlamps to HID headlamps, is not in consonance with traffic safety standards,” ani  Colmenares.

Mahigpit na ipinagbabawal  ng nasabing panukala  ang  pagpapataw ng  kaparusahan sa sinumang  nagtitinda ng  HID headlights  ng  P100,000 sa bawat  mga  benta  ng  nasabing  ilaw, samantalang  P10,000 naman sa mahuhuling  gumagamit  nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply