Nakaw na luxury cars, big bikes nakita sa Bukidnon

DALAWANG magkahiwalay na raid ng NBI Mindanao sa dalawang barangay sa Talakag, Bukidnon ang ikinatuklas ng mga hinihinalang smuggled luxury cars at big bikes.

Umabot sa 12 luxury cars at big bikes ang nakumpiska sa raid na isinagawa sa isang warehouse sa Barangay Santiagio samantalang sa isang garahe naman sa Barangay Kauswagan ay kinumpiska ang may 13 pang luxury cars at big bikes na hinihinalang nakapangalan sa isang Gilbert Omulon na tubong Talakag.

Pinaghahanap naman ang kapatid ni Omulon na si Lynard Allan Bigcas na isa umanong immigrant sa Amerika na siya raw nagmamay-ari ng mga mamamahaling sasakyan na nagmula pa sa nabanggit na bansa.

Nagbunsod ang pagkakadiskubre ng operasyon ni Bigcas dahil sa pag-iimbestiga ng Federal Bureau of Investigation sa mga nawawalang sasakyan sa Amerika partikular sa Texas, kung saan nakita ang mga ito sa website ni Bigcas na www.albigsmotorcycle.com. Natagpuan din ang ibang sasakyan sa facebook account ng suspect sa balaking ipakita ito sa mga nais bumili ng mga luxury cars at big bikes.

Mayroon din umanong car buy and sell business si Bigcas sa Talakag subalit sa pagtatanong ng mga awtoridad kay Omulon ay ayaw nitong magbigay ng anumang impormasyon.

Isang custom collector sa Port of Cagayan ang nagsabi sa mga awtoridad na wala umano silang alam na pumapasok na mamahaling sasakyan nitong mga nakaraang araw na galing sa ibang bansa subalit ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa Cagayan  ang nagpahayag na may katiwalian sa mga port officials sa rehiyon dahil wala namang ibang dadaanan ang mga nasabing imported na luxury cars. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply