Nakawan na! Pag nabisto ka, isoli mo ang kalahati!

INOKI na ng Sandiganbayan ang plea bargain agreement sa pagitan ng Ombudsman at ni Heneral Carlos Garcia.

Nilalaman ng  kasunduan sa plea bargain ang pag-amin ni Garcia ng kasalanang pagtanggap ng suhol sa kung kani-kanino at hindi ng pandarambong.

Nakalibre si heneral ng parusa sa pagkabilanggong habambuhay para sa pandarambong at 10 taon lamang ang kanyang bubunuin. Eh, nabuno na niya ang nasa 7 taon sa kulungan.

Nilalaman din ng kasunduan ang pagsasauli ni heneral ng nasa P130 milyon lang na halaga ng suhol o nakaw na yaman na halagang P303M.

oOo

Napakasuwerti ng mamang heneral. Maaaring hindi na siya pababalikin pa sa kulungan para ubusin doon ang nalalabi niyang parusa, meron pa siyang layptaym na baon hanggang sa kunin siya ni Lord. Maaaring libre na rin sa anomang pananagutan ang kanyang misis at mga anak na nagpasasa rin umano sa nakaw na yaman.

Sabi ng mga tsuwariwap ni Pnoy, maghahabol sila. Pero hanggang saan kaya sila makaaabot? Eh, napakabagal pa naman ang usad ng hustisya. Yun nga lang kaso ni heneral na nagsimula noong 2003, eh, hanggang Sandiganbayan lang ang inabot sa mga araw na ito. Paano pa kung magsisimula uli ngayon sa Sandiganbayan ang kaso at aakyat sa Court of Appeals o Supreme Court.

Baka wala na sina Pnoy sa Malakanyang, eh, inaalikabok pa ang kaso riyan!

At kung nagkaweder-weder ang pulitika, nakupo, baka tuluyan nang maglaho na parang bula ang lahat.

oOo

Dahil sa mapait na sinapit ng kasong isa sa mga ikinahihirap ni Juan, tiyak namang naiisip ng mga onorabol na pupuwede na silang magnakaw nang magnakaw, tutal hapi ending naman pala ang lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply