Nakonsensya sa panggagahasa sa anak, nagbigti

CABANATUAN CITY-–Makaraang hindi na makayanan ng konsensya ang ginawang panggagahasa sa kanyang 17-anyos na anak, kaya nagawang magbigti ng isang ama sa loob ng kanyang selda.

Ayon sa report, bago nagbigti si Ricardo Lembo, 58, ay madalas na sabihin nito sa kanyang mga kasama sa selda na nahihiya siya sa kanyang ginawa sa anak niyang dalaga.

Nagsampa ng kasong rape ang 17-anyos na anak ni Lembo laban sa kanya na nagresulta sa pagpapalabas ng warrant of arrest sa kanya.

Sa record  ng korte, si Lembo ay tubong Rosario, Batangas at nagkaanak sa unang asawa na kanya ring ginahasa.

Nang tumakas ay nagtago sa Cuyapo, Nueva Ecija kung saan nagnegosyo ng mga gulok hanggang mapangasawa ang isang Amelia Ramos.

Nagkaroon naman siya ng limang anak kay Ramos kung saan ang panganay na si Jona, hindi tunay na pangalan ay kanya ring ginahasa hanggang magbuntis at magkaanak.

Nang magsumbong sa pulisya ang biktima ay agad na inaresto ang suspek at sa selda na nagpakamatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply